2 Noong inaakala ng mga taong di kumikilala ng batas na bihag nila ang bayan mong banal,sa katotohana'y sila ang nakabilanggo sa karimlan ng gabi,nakukulong sa ilalim ng kanilang bubong at di saklaw ng iyongwalang hanggang pagkalinga.
3 Akala nila'y walang nakapansin sa lihim nilang kasalanan,at naikubli na sa likod ng madilim na tabing ng paglimot.Ngunit ngayo'y nanginginig sila sa takot,nababalisa at binabagabag ng mga guni-guni.
4 Ang madilim na silid na kanilang pinangungubliha'y hindi nakahadlang sa matinding takot,sapagkat sa paligid nila'y umaalingawngaw ang mga ingay na nakapangingilabot,at binubulaga sila ng mga multong nakakasindak tingnan.
5 Hindi sila kayang liwanagan maging ng pinakamalaking siga.Ang ningning ng mga tala ay di man lamang makabawas sa pusikit na dilim.
6 Ang tanging sumisinag sa kanila'y nakakatakot na ningasat sa takot nila'y naniwala silang ang kanilang nakita'yhigit na nakakatakot kaysa iniisip nila.
7 Nabigo ang mapanlinlang na pamamaraan ng kanilang salamangka,at nawalang-kabuluhan ang ipinagmamalaki nilang Karunungan.
8 Ipinagmamalaki nilang nakapagpaalis sila ng takot at pagkabalisa sa mga taong nagugulo ang isip,ngunit sila ngayon ang hibang sa takot nang wala namang kadahi-dahilan.