5 Hindi sila kayang liwanagan maging ng pinakamalaking siga.Ang ningning ng mga tala ay di man lamang makabawas sa pusikit na dilim.
6 Ang tanging sumisinag sa kanila'y nakakatakot na ningasat sa takot nila'y naniwala silang ang kanilang nakita'yhigit na nakakatakot kaysa iniisip nila.
7 Nabigo ang mapanlinlang na pamamaraan ng kanilang salamangka,at nawalang-kabuluhan ang ipinagmamalaki nilang Karunungan.
8 Ipinagmamalaki nilang nakapagpaalis sila ng takot at pagkabalisa sa mga taong nagugulo ang isip,ngunit sila ngayon ang hibang sa takot nang wala namang kadahi-dahilan.
9 Kahit walang nangyaring mapanganib na dapat katakutan,nanginginig sila sa takot sa huni ng mga ahas at pagdagsa ng maraming hayop na papalapit sa kanila.
10 Namatay sila sa sindak sa gitna ng pangangatog,natatakot silang idilat man lamang ang mga mata,ngunit ang malungkot nito'y namatay sila nang dilat.
11 Ang kasamaan ay talagang likas na duwag, sapagkat siya na rin ang humahatol sa sarili.At sa pag-uusig ng sariling budhi, siya na rin ang nagpapalaki sa laman ng guni-guni.