8 Ipinagmamalaki nilang nakapagpaalis sila ng takot at pagkabalisa sa mga taong nagugulo ang isip,ngunit sila ngayon ang hibang sa takot nang wala namang kadahi-dahilan.
9 Kahit walang nangyaring mapanganib na dapat katakutan,nanginginig sila sa takot sa huni ng mga ahas at pagdagsa ng maraming hayop na papalapit sa kanila.
10 Namatay sila sa sindak sa gitna ng pangangatog,natatakot silang idilat man lamang ang mga mata,ngunit ang malungkot nito'y namatay sila nang dilat.
11 Ang kasamaan ay talagang likas na duwag, sapagkat siya na rin ang humahatol sa sarili.At sa pag-uusig ng sariling budhi, siya na rin ang nagpapalaki sa laman ng guni-guni.
12 Ang takot ay bunga lamang ng di paggamit sa tulong na idinudulot ng isipan.
13 Ang walang lakas ng loob na magtiwala sa pag-iisipay aalipinin ng takot na likha ng kamangmangan.
14 Sa buong magdamag ay balisang-balisa sila sa pagtulog,bagaman ang kadilimang iyon ay walang magagawa laban sa kanila,sapagkat iyon ay mula lamang sa walang kapangyarihang bangin ng daigdig ng mga patay.