1 Ngunit para sa iyong bayang banal, nagniningning ang liwanag.Ang tinig nila'y naririnig ng kanilang mga kaaway ngunit di sila nakikita,at ipinapalagay na mapalad sapagkat di naghihirap.
2 Ang mga kaaway nila'y nagpapasalamat, sapagkat kahit na ginawan ng masama ay hindi gumaganti.Sila'y humingi ng tawad dahil sa kanilang pakikipag-away.
3 Kaya, sa paglalakbay nila patungo sa ibang lupain,sila'y pinasubaybayan mo sa haliging apoy.Parang araw na nagliliwanag ngunit hindi sila nasusunog sa makasaysayang paglalakbay na iyon.
4 Nararapat lang sa kanilang mga kaaway na pagkaitan ng liwanag at ibilanggo sa kadiliman,pagkat ibinilanggo nila ang iyong bayanna naging kasangkapan sa pagsasabog ng liwanag ng iyong Kautusan sa buong daigdig.
5 Pinatay nila ang mga sanggol ng iyong bayan maliban sa isang nailigtas,Kaya pinatay mo rin ang kanilang mga sanggol,at nilipol mo ang kanilang hukbo sa pamamagitan ng isang malaking baha.
6 Ang mangyayari sa gabing iyon ay ipinagpauna mong sabihin sa aming mga ninuno,upang magalak sila sa katuparan ng iyong mga pangakong pinagtiwalaan nila.