18 Kabi-kabila ay may nabubuwal na naghihingalo.Bawat isa'y nagsasabi kung bakit siya namamatay.
19 Ipinagpauna ito sa kanila sa pamamagitan ng isang nakakatakot na panaginip,upang bago sila mamatay ay malaman nila ang dahilan.
20 Ang mga matuwid man ay nakaranas din ng kamatayan sa kanilang paglalakbay sa ilang,ngunit hindi iyon nagtagal at tumigil.
21 Isang taong walang kasalanan ang nagligtas sa kanila noon.Ginawa niya ang nararapat niyang gawin bilang pari.Nanalangin siya at nagsunog ng insenso.Nanindigan siya sa harap ng iyong poot.Ipinakilala niyang siya ay iyong lingkod.
22 Nagtagumpay siya sa poot na iyon,hindi sa pamamagitan ng lakaskundi sa pamamagitan ng panalangin,at pagbanggit sa iyong mga pangako sa kanilang mga ninuno.
23 Nang nakabunton na ang mga patay, namagitan na siya,at napigil niya ang galit ng Diyos,at tumigil ang salot.
24 Sa mahaba niyang balabal ay nakalarawan ang buong daigdig.Ang alaala ng kanilang mga ninuno ay nakaukit sa apat na hilera ng mamahaling bato,at ang iyong karangalan ay nasa korona sa kanyang ulo.