8 Ang paraang ginamit mo sa pagpaparusa sa aming mga kaawayay siya mo ring ginamit na pantawag sa amin,upang kami'y bahaginan mo ng iyong karangalan.
9 Ang mga tapat na anak ng mabuting bayang ito ay lihim na naghahandog.Nagkaisa silang sumunod sa mga utos ng Diyos at magsama sa hirap at ginhawa.Noon pa'y inaawit na nila ang matatandang awit na ito ng papuri.
10 Samantala, ang panaghoy ng kanilang mga kaaway ay abot sa buong paligid,dahil sa pagkamatay ng kanilang mga anak.
11 Iisa ang parusang iginawad sa alipin at sa panginoon.Iisa ang kapalarang sinapit ng hari at ng karaniwang tao.
12 Pare-pareho silang namatayan.Hindi mabilang ang mga bangkay na iisa ang ikinamatay.Kakaunti ang natira sa kanila,at hindi nila kayang ilibing ang napakaraming patay.Sa isang kisap-mata, ang pinakamamahal nilang mga anak ay namatay na lahat.
13 Noong una'y wala silang pinaniniwalaan liban sa kapangyarihan ng kanilang salamangka.Ngunit nang mamatay ang kanilang mga panganay, naniwala rin silang ikaw, O Diyos, ang ama ng bayang Israel.
14 Payapa at tahimik ang lahat,nangangalahati na ang gabi,