1 Ngunit ang mga taong di kumikilala sa iyo ay walang awa mong inuusig hanggang wakas,pagkat alam mo ang gagawin nila bago pa ito mangyari.
2 Pinayagan nga nilang umalis ang iyong bayan,ngunit pagkatapos ay hinabol din nila.
3 Nagluluksa pa sila sa libingan ng kanilang mga mahal sa buhay,ay may iniisip na naman silang kasamaan.Hinabol nilang parang mga takas na bilanggoang mga taong pinakiusapan nilang umalis.
4 Ang kasawiang nakatalaga sa kanila ang nagtulak sa kanila na iyon ay gawin.Nalimutan nila ang nangyarikaya nalubos ang parusa sa kanila.
5 Sa gayon, nakapagpatuloy ang bayan mo sa kanilang paglalakbay,samantalang ang mga kaaway nila ay inabot ng kamatayang walang katulad.