12 ay lumitaw mula sa dagat ang makapal na bilang ng mga pugo.
13 Ngunit ang masasama ay binabalaan ng darating na parusa.Nararapat lang parusahan sila dahil sa kasamaan nila.Labis ang pagkapoot nila sa mga nakikipamayan sa kanila.
14 May mga bayang tumangging magpatuloy sa mga taga-ibang bayan,ngunit ang mga ito ay higit na masama.Inalipin nila ang mga panauhing tumulong sa kanila.
15 Hindi lamang iyon, daranas pa sila ng ibang uri ng parusa,dahil sa masama nilang pagtanggap sa mga taga-ibang bayan.
16 Matapos ipagpista ang pagdating ng mga dayuhan, at ituring na kanilang kapantay,sa bandang huli, ang mga ito'y pinahirapan at inalipin.
17 Silang lahat ay nabulag, tulad ng mga nasa pintuan ni Lot.Nangapa ng kanilang dadaanan matapos pagdimlan ng paligid.
18 Ang mga bagay-bagay ay nagpapalit-palit lang.Tulad ng lira, nababago ang kalagayan ng himig kahit hindi binabago ang nota.Ito'y maliwanag na makikita sa mga pangyayari.