19 Ang mga nilalang sa katihan ay nagagawang mga nilalang sa tubigan,at ang mga nasa tubigan ay umaahon sa katihan.
20 Hindi nababago ang lakas ng apoy kahit nasa tubig,at ang likas na kapangyarihan ng tubig sa pagpatay ng apoy ay nawala.
21 Ang ningas ay hindi makasunog,kahit ng mga nilalang na madaling masunog.Ni hindi rin makatunaw ng mga pagkaing madaling matunaw.
22 Sa lahat ng bagay, Panginoon, niloob mong padakilain ang iyong bayan.Hindi mo sila pinabayaan saan mang dako sa lahat ng panahon.