5 Sa gayon, nakapagpatuloy ang bayan mo sa kanilang paglalakbay,samantalang ang mga kaaway nila ay inabot ng kamatayang walang katulad.
6 Ang sangnilikha ay dumanas ng pagbabagoupang masunod ang iyong kalooban,at mailigtas ang iyong bayan.
7 Ang ulap ay lumukob sa kanilang kampamento,ang tubig ay nahawi at lumitaw ang tuyong lupa,isang malinis na landas sa gitna ng Dagat na Pula,at luntiang kapatagan mula sa naglalakihang mga alon.
8 Ang bayan mo ay nakatawid na lahat, sa ilalim ng iyong pagkalinga,matapos masdan ang iyong kamangha-manghang gawa.
9 Tulad nila'y mga kabayo sa sariwang pastulan,parang mga tupang naglulundagan sa tuwa sa pagpupuri sa iyo,O Panginoon, sapagkat iniligtas mo sila.
10 Inaalaala nila ang mga pangyayarinoong sila'y mga alipin pa sa lupaing inalisan nila;sa halip na mga baka, ang lumitaw sa lupa ay mga kuto,at sa halip na isda, ang ilog ay napuno ng palaka.
11 Pagkatapos, nakita nilang lumitaw ang ibang uri ng ibon.Nang humingi sila ng masarap na pagkain