1 Ang walang kabuluhang pangangatuwiran ng masama ay ganito:“Maikli at malungkot ang buhay,” wika nila sa sarili,“at wala nang lunas pagdating ng wakas ng buhay ng tao,wala na ring patay na nakakabalik mula sa libingan.
2 Pagkakataon lamang ang pagkasilang sa atin;pagkatapos, tayo'y papanaw at parang di isinilang.Ang hininga natin ay tulad lamang ng usok,at ang isipa'y parang tilamsik na mula sa pintig ng puso.
3 Pagtigil ng pintig na iyon, ang ating katawang lupa ay babalik sa alabok,at maglalaho ang ating espiritu kasama ng hanging nagdaraan.
4 Sa kalaunan, malilimot na ang ating pangalan, pati ang ating mga nagawa.Mawawala ang buhay natin, parang balumbon ng mga ulap,matutunaw na parang hamog sa init ng araw.
5 Ang buhay natin ay lumilipas na parang anino,ang araw ng pagkamatay ay hindi maiiwasan,nakatakda na iyon at wala nang makakapagbago.”
6 Sabi pa rin nila, “Kaya nga, magpakasawa tayo sa lahat ng bagay;gaya ng ginawa natin noong tayo'y bata paat magpakasaya tayo sa kagandahan ng sangnilikha.