12 Tambangan natin ang mga taong matuwid,sapagkat hadlang sila sa ating mga balak.Ipinamumukha nila sa atin ang pagsuway sa kautusan,at sinasabing tayo'y nagkasala laban sa ating kaugalian.
13 Ipinagmamalaki nilang nakikilala nila ang Diyos,at sinasabing sila'y mga anak ng Panginoon.
14 Sila ang nagbibigay sa atin ng mga problema.
15 Makita lang natin sila'y balisa na tayo,sapagkat kaiba ang kanilang gawain at pamumuhay.
16 Ang palagay nila sa atin ay mababang-mababa,at nandidiri sila sa ating gawain.Sinasabi nilang kaligayahan ang wakas ng matuwid,at ipinagmamagaling na sila'y anak ng Diyos.
17 Tingnan natin kung ang sinasabi nila'y magkakatotoo,kung ano ang mangyayari sa kanila pagkamatay nila.
18 Kung ang mga matuwid ay anak nga ng Diyos,sila ay tutulungan niya at ililigtas sa mga kaaway.