15 Makita lang natin sila'y balisa na tayo,sapagkat kaiba ang kanilang gawain at pamumuhay.
16 Ang palagay nila sa atin ay mababang-mababa,at nandidiri sila sa ating gawain.Sinasabi nilang kaligayahan ang wakas ng matuwid,at ipinagmamagaling na sila'y anak ng Diyos.
17 Tingnan natin kung ang sinasabi nila'y magkakatotoo,kung ano ang mangyayari sa kanila pagkamatay nila.
18 Kung ang mga matuwid ay anak nga ng Diyos,sila ay tutulungan niya at ililigtas sa mga kaaway.
19 Subukin natin silang kutyain at pahirapan,upang malaman natin kung hanggang saan ang kanilang kabutihang-loob,at kung hanggang kailan sila makakatagal.
20 Subukin nating ilagay sila sa bingit ng kamatayan,dahil ang sabi nila ay iingatan sila ng Diyos.”
21 Iyon ang pangangatuwiran ng masasama, ngunit sila'y nagkakamali,sapagkat binubulag sila ng kanilang kasamaan.