21 Iyon ang pangangatuwiran ng masasama, ngunit sila'y nagkakamali,sapagkat binubulag sila ng kanilang kasamaan.
22 Hindi nila nabatid ang lihim na panukala ng Diyos.Hindi sila umasa sa gantimpala ng kabanalan,hindi naisip ang magandang wakas ng malinis na pamumuhay.
23 Sapagkat ang tao'y hindi nilikha ng Diyos para mamatay,kundi upang maging larawan niyang buháy.
24 Ngunit dahil sa pakana ng diyablo, nakapasok ang kamatayanat ito ang kahihinatnan ng mga napailalim sa kanya.