6 Sabi pa rin nila, “Kaya nga, magpakasawa tayo sa lahat ng bagay;gaya ng ginawa natin noong tayo'y bata paat magpakasaya tayo sa kagandahan ng sangnilikha.
7 Magpakasawa tayo sa mamahaling alak at pabango,at huwag palampasin isa mang bulaklak sa panahon ng tagsibol.
8 Pitasin natin ang mga rosas bago ito malanta,at isuksok sa ating buhok habang sariwa pa ito at mabango.
9 Magsama-sama tayo sa ating pagdiriwang.Mag-iwan tayo ng bakas ng kasaysayan sa lahat ng dako,sapagkat ito'y ating buhay; ito'y ating karapatan.
10 “Apihin natin ang mahihirap kahit na sila ay matuwid.Pahirapan natin ang mga biyuda.Huwag nating igalang maging ang matatanda.
11 Ang pairalin nating batas ay ang ating lakas,sapagkat wala tayong mapapala sa pagiging mahina.
12 Tambangan natin ang mga taong matuwid,sapagkat hadlang sila sa ating mga balak.Ipinamumukha nila sa atin ang pagsuway sa kautusan,at sinasabing tayo'y nagkasala laban sa ating kaugalian.