1 Ngunit ang mga matuwid ay nasa kamay ng Diyos,at di sila makakaranas ng kaunti mang pahirap.
2 Sa akala ng mga hangal, ang mga matuwid ay namamatay.Iniisip nilang ang kamatayan ay kapahamakan,
3 at ang pagpanaw nila ay tuluyang pagkawala,Ngunit ang totoo, sila'y nananahimik na.
4 Bagama't sa tingin ng tao sila'y pinarusahan,ngunit ang totoo, sila'y nasa buhay na walang hanggan.
5 Ang kaunting pagtitiis nila ay tutumbasan ng malaking pagpapala.Napatunayan ng Diyos na sila'y karapat-dapat.
6 Sila'y kanyang sinubok, tulad ng ginto sa tunawan,kaya't sila'y tinanggap niyang parang handog na sinusunog.
7 Darating ang Panginoon upang gantimpalaan ang mga matuwid.Magliliwanag silang parang ningas ng nagliliyab na dayami.