10 Ngunit ang mga masama'y paparusahan niya nang ayon sa kanilang masasamang kaisipan,sapagkat sila'y naghimagsik sa Panginoonat niyurakan ang katuwiran.
11 Malungkot ang sasapitin ng hindi nagpapahalaga sa Karunungan at pag-aaral.Wala silang maaasahan; ang pagsisikap nila'y walang mararatingat wala silang magagawang kabutihan.
12 Lalabas na di mapagkakatiwalaan ang kanilang mapapangasawa,at ang kanilang mga anak ay maliligaw ng landas.
13 Ang magiging lahi nila ay sasailalim sa sumpa.Mapalad ang babaing hindi nagkaanak kailanman.Kung hindi siya nakipagtalik sa paraang makasalanan;gagantimpalaan siya ng Diyos sa Araw ng Paghuhukom.
14 Mapalad ang eunuko na hindi gumawa ng masamaat hindi nagkimkim ng hinanakit laban sa Panginoon.Siya ay may tanging gantimpala para sa kanyang katapatanna higit na mahalaga kaysa pagkakaroon ng anak.Bibigyan siya ng tanging lugar sa tahanan ng Panginoon.
15 Ang matuwid na gawa ay parang punongkahoy na hitik sa masasarap na bunga.Ang Karunungan ay parang buháy na ugat na maaaring litawan ng sariwang usbong.
16 Ngunit ang mga anak ng mga mapangalunya ay walang kinabukasan;di hahaba ang kanilang buhay.