13 Ang magiging lahi nila ay sasailalim sa sumpa.Mapalad ang babaing hindi nagkaanak kailanman.Kung hindi siya nakipagtalik sa paraang makasalanan;gagantimpalaan siya ng Diyos sa Araw ng Paghuhukom.
14 Mapalad ang eunuko na hindi gumawa ng masamaat hindi nagkimkim ng hinanakit laban sa Panginoon.Siya ay may tanging gantimpala para sa kanyang katapatanna higit na mahalaga kaysa pagkakaroon ng anak.Bibigyan siya ng tanging lugar sa tahanan ng Panginoon.
15 Ang matuwid na gawa ay parang punongkahoy na hitik sa masasarap na bunga.Ang Karunungan ay parang buháy na ugat na maaaring litawan ng sariwang usbong.
16 Ngunit ang mga anak ng mga mapangalunya ay walang kinabukasan;di hahaba ang kanilang buhay.
17 At kung mabuhay man sila nang matagal ay wala ring kabuluhansapagkat hindi sila igagalang kahit sila'y matanda na.
18 At kung mamatay nang maaga ay wala ring pag-asa,o kaaliwan sa Araw ng Paghuhukom.