7 Darating ang Panginoon upang gantimpalaan ang mga matuwid.Magliliwanag silang parang ningas ng nagliliyab na dayami.
8 Sila ang mamamayani sa mga bansa sa daigdig,at ang Panginoon ang maghahari sa kanila magpakailanman.
9 Ang mga nananalig sa kanya ay makakaunawa sa katotohanan ng kanyang pamamaraan,at ang mga naging tapat sa kanya ay mamumuhay na kasama niya sa kanyang pag-ibig,sapagkat siya'y mabuti at maawain sa kanyang mga hinirang.
10 Ngunit ang mga masama'y paparusahan niya nang ayon sa kanilang masasamang kaisipan,sapagkat sila'y naghimagsik sa Panginoonat niyurakan ang katuwiran.
11 Malungkot ang sasapitin ng hindi nagpapahalaga sa Karunungan at pag-aaral.Wala silang maaasahan; ang pagsisikap nila'y walang mararatingat wala silang magagawang kabutihan.
12 Lalabas na di mapagkakatiwalaan ang kanilang mapapangasawa,at ang kanilang mga anak ay maliligaw ng landas.
13 Ang magiging lahi nila ay sasailalim sa sumpa.Mapalad ang babaing hindi nagkaanak kailanman.Kung hindi siya nakipagtalik sa paraang makasalanan;gagantimpalaan siya ng Diyos sa Araw ng Paghuhukom.