1 Mabuti na ang walang anak ngunit malinis ang kalooban,sapagkat ito ay napakahalaga sa mata ng Diyos at ng tao,at ang may malinis na kalooban ay maaalala magpakailanman.
2 Ang taong ito ay nagiging huwaran,at kapag ito'y nawala sa kanya ay tunay na hinahanap.Ito ang pinakamahalagang gantimpala na maaaring makamit ng tao,at pinakamainam na katangiang maaaring taglayin ng sinuman.
3 Ang mga anak sa pagkakasala, gaano man karami, ay hindi papakinabangan;ang lahi nila ay di mapapanatag.
4 Wari'y mga punongkahoy na mababaw ang ugat,sandali silang tutubo, ngunit hindi magtatagal,sapagkat madali silang ibubuwal ng malakas na hangin.