2 Ang taong ito ay nagiging huwaran,at kapag ito'y nawala sa kanya ay tunay na hinahanap.Ito ang pinakamahalagang gantimpala na maaaring makamit ng tao,at pinakamainam na katangiang maaaring taglayin ng sinuman.
3 Ang mga anak sa pagkakasala, gaano man karami, ay hindi papakinabangan;ang lahi nila ay di mapapanatag.
4 Wari'y mga punongkahoy na mababaw ang ugat,sandali silang tutubo, ngunit hindi magtatagal,sapagkat madali silang ibubuwal ng malakas na hangin.
5 Mababali ang kanilang mga sanga sa kanilang kamuraan,at ang mga bunga nila'y di mahihinog, di papakinabangan.
6 Pagdating ng Araw ng Paghuhukom,ang mga anak na iyan sa pagkakasala ang siyang magiging saksi sa kasalanan ng kanilang mga magulang.
7 Sa kabilang dako, ang taong matuwid at banal,mamatay man nang bata pa, ay mapapanatag.
8 Ang marangal na katandaan ay di sinusukat sa haba ng buhayo sa dami ng taong inilagi dito sa balat ng lupa.