9 Ang Karunungan at katuwiran ay malilinaw na palatandaan ng hustong kaisipan,at siya ring sukatan ng tunay na pinagkatandaan.
10 Si Enoc ay namuhay nang kalugud-lugod sa Diyos.Napamahal siya sa Diyos kaya't siya ay kinuhang buháysamantalang namamayan pa sa gitna ng mga makasalanan,
11 upang ang kanyang puso't diwaay huwag nang mahawa sa kasamaan at panlilinlang.
12 Sapagkat pinalalabo ng kasamaan ang kagandahan ng kabutihan,at ginugulo ng masamang pita ang walang malay na isipan.
13 Sa maikling panahon ay narating niya ang lubos na kabanalanna di maabot ng marami sa loob ng mahabang panahon.
14 Naging kalugud-lugod nga siya sa Panginoon,kaya't siya'y kinuha agad mula sa makasalanang paligid.
15 Nakita ng mga tao ang kanyang pag-alis ngunit hindi nila naunawaan,wari'y hindi maabot ng kanilang isipanna pinagpapala at kinahahabagan ng Diyos ang kanyang mga hinirang,at iniingatan ang kanyang banal na bayan.