1 Pagdating ng araw, ang matuwid ay taas-noong haharap sa mga nagpahirap sa kanyaat hindi nagpahalaga sa kanyang mga pagsisikap.
2 Pagkakita sa kanya, ang masasama'y magugulat,sapagkat hindi nila inaasahang siya ay maliligtas, at sila'y manginginig sa matinding takot.
3 Pagsisisihan nila ang kanilang ginawa,at sa gitna ng paghihirap ng damdamin ay sasabihin nila,
4 “Narito ang taong dati'y ating pinagtatawanan! Tayo pala ang hangal!Nilibak natin siya at hinamak.Akala natin ay kabaliwan ang kanyang pamumuhay,at nang mamatay siya'y hindi natin pinarangalan.
5 Ngayon, narito siya't itinuturing na anak ng Diyos,at kabilang sa mga taong hinirang ng Diyos.