10 Ito ay mga banal na bagay at kung gagamitin ninyo sa paraang banal, kayo rin ay magiging banal.Kapag natutunan ninyo ang mga aral na ito, maipagtatanggol ninyo ang inyong sarili sa Araw ng Paghatol.
11 Kaya nga, pahalagahan ninyo ang aking mga aral;unawain ninyo ito at kayo'y matututo.
12 Ang Karunungan ay maningning at di kumukupas,madaling natatagpuan ng naghahanap sa kanya,at nakikita agad ng mga nagpapahalaga sa kanya.
13 Madali siyang nagpapakilala sa mga naghahangad sa kanya.
14 Ang maagang bumabangon upang siya'y hanapin, hindi mahihirapan na siya'y masumpungan;makikita niyang ang Karunungan ay nag-aabang sa may pintuan.
15 Isipin mo lamang siya'y magkakaroon ka ng ganap na pagkaunawa;hanapin mo siya't matatahimik ang iyong kalooban.
16 Sapagkat hinahanap niya ang mga karapat-dapat sa kanya,at malugod na nagpapakita siya sa kanila saan mang dako.Siya'y maamo, at sasamahan ka niya sa bawat iniisip mo.