15 Isipin mo lamang siya'y magkakaroon ka ng ganap na pagkaunawa;hanapin mo siya't matatahimik ang iyong kalooban.
16 Sapagkat hinahanap niya ang mga karapat-dapat sa kanya,at malugod na nagpapakita siya sa kanila saan mang dako.Siya'y maamo, at sasamahan ka niya sa bawat iniisip mo.
17 Ang unang hakbang para magtamo ng Karunungan ay ang matapat na pagnanais na matuto,sapagkat para na ring pagmamahal sa Karunungan ang paghahangad na matuto.
18 Sumusunod sa kanyang mga tuntunin ang nagmamahal sa Karunungan,at magkakaroon ng buhay na walang hanggan ang sumusunod sa kanyang mga tuntunin.
19 At ang buhay na walang katapusan naman ay naglalapit sa Diyos.
20 Ang naghahangad ng Karunungan ay naghahanda upang maging pinuno ng kaharian.
21 Kaya, mga hari, kung talagang mahal ninyo ang inyong trono at setro,pahalagahan ninyo ang Karunungan at maghahari kayo magpakailanman.