16 Sapagkat hinahanap niya ang mga karapat-dapat sa kanya,at malugod na nagpapakita siya sa kanila saan mang dako.Siya'y maamo, at sasamahan ka niya sa bawat iniisip mo.
17 Ang unang hakbang para magtamo ng Karunungan ay ang matapat na pagnanais na matuto,sapagkat para na ring pagmamahal sa Karunungan ang paghahangad na matuto.
18 Sumusunod sa kanyang mga tuntunin ang nagmamahal sa Karunungan,at magkakaroon ng buhay na walang hanggan ang sumusunod sa kanyang mga tuntunin.
19 At ang buhay na walang katapusan naman ay naglalapit sa Diyos.
20 Ang naghahangad ng Karunungan ay naghahanda upang maging pinuno ng kaharian.
21 Kaya, mga hari, kung talagang mahal ninyo ang inyong trono at setro,pahalagahan ninyo ang Karunungan at maghahari kayo magpakailanman.
22 Sasabihin ko sa inyo kung ano ang Karunungan at kung paano nagkaroon nito;wala akong ililihim sa inyo;iisa-isahin ko ang kanyang dinaanan mula sa panahon ng paglikha,upang maging malinaw ito sa inyo;hindi ako lilihis sa katotohanan.