22 Sasabihin ko sa inyo kung ano ang Karunungan at kung paano nagkaroon nito;wala akong ililihim sa inyo;iisa-isahin ko ang kanyang dinaanan mula sa panahon ng paglikha,upang maging malinaw ito sa inyo;hindi ako lilihis sa katotohanan.
23 Hindi ko ililihim ang anuman dahil sa takot na mapantayan,sapagkat hindi maaaring pagsamahin ang Karunungan at ang damdaming ganyan.
24 Kung maraming marunong sa daigdig, mahahango sa dusa ang maraming tao.Magdudulot ng kapanatagan sa kanyang nasasakupan, ang isang marunong na hari.
25 Kaya, sikapin ninyong matutunan ang aking mga aral at papakinabangan ninyo ito.