7 Ang Panginoon ng lahat ay hindi natatakot kaninuman, gaano man ito kadakila.Siya ang may likha sa lahat, sa dakila at sa abâ,kaya't pare-pareho lang ang tingin niya sa lahat.
8 Ngunit mas mahigpit ang paghatol niya sa mga nasa kapangyarihan.
9 Kaya, mga hari, sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na itoupang matuto kayo at nang hindi kayo magkasala.
10 Ito ay mga banal na bagay at kung gagamitin ninyo sa paraang banal, kayo rin ay magiging banal.Kapag natutunan ninyo ang mga aral na ito, maipagtatanggol ninyo ang inyong sarili sa Araw ng Paghatol.
11 Kaya nga, pahalagahan ninyo ang aking mga aral;unawain ninyo ito at kayo'y matututo.
12 Ang Karunungan ay maningning at di kumukupas,madaling natatagpuan ng naghahanap sa kanya,at nakikita agad ng mga nagpapahalaga sa kanya.
13 Madali siyang nagpapakilala sa mga naghahangad sa kanya.