1 Ako'y may kamatayan din, tulad ng sinumang tao,supling ng unang tao na nagmula sa alabok,inanyuan sa sinapupunan ng aking ina.
2 Mula sa binhi ng lalaki, nagkaanyo ako sa sinapupunan ng aking ina, bunga ng pagtatalik nilang dalawa.Sa loob ng siyam na buwan, ang katawan ko'y nabuo mula sa dugo ng aking ina.
3 Nang ako'y isilang, nagsimula akong lumanghap ng hanging nilalanghap ng lahat.Inihiga ako sa lupang tinatapakan ng mga tao,ang iyak ng lahat ng bagong silang ang unang tinig na nagmula sa akin.
4 Buong ingat akong inalagaan at binalot ng lampin.
5 Lahat ng hari ay ganyan din ang simula.
6 Sapagkat sa lahat ng tao'y iisa lamang ang paraan ng pagdating at pag-alis sa buhay na ito.
7 Sapagkat alam kong ako'y tao lamang, ako'y nanalangin at binigyan naman ako ng pang-unawa.Tumawag ako sa Diyos at binigyan ako ng Karunungan.