10 Para sa akin, siya'y higit pa sa kalusugan o kagandahan.Mas gusto ko siya kaysa alinmang ilawsapagkat ang luningning niya'y walang pagkupas.
11 Nang makamit ko ang Karunungan, dumating sa akin ang lahat ng pagpapala;siya ang nagkaloob sa akin ng kayamanang walang kapantay.
12 Malaking kaligayahan ang dulot ng mga ito sa akin, sapagkat ang mga ito'y bunga ng Karunungan.Ngunit di ko alam noon na ang mga ito'y nagmula sa Karunungan.
13 Walang pag-iimbot na nag-aral ako sa Karunungan;at ngayon ay malugod kong ibinabahagi sa iba ang aking natutunan.
14 Hindi mauubos ninuman ang yaman ng Karunungan.Angkinin ninyo iyan at mapapalapit kayo sa Diyos;ikinalulugod niya ang matuto kayo sa Karunungan.
15 Loobin nawa ng Diyos na ang nasa isip ko'y maging karapat-dapat sa natutunan ko sa Karunungan,at ang ihahayag ko'y maging naaayon sa kalooban niya,sapagkat ang Diyos ang patnubay ng Karunungan,at siya ang nagtutuwid sa marurunong.
16 Tayong lahat ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos—ang ating pagkatao, ang ating mga salita,ang ating pagkaunawa, at ang ating mga kakayahan.