13 Walang pag-iimbot na nag-aral ako sa Karunungan;at ngayon ay malugod kong ibinabahagi sa iba ang aking natutunan.
14 Hindi mauubos ninuman ang yaman ng Karunungan.Angkinin ninyo iyan at mapapalapit kayo sa Diyos;ikinalulugod niya ang matuto kayo sa Karunungan.
15 Loobin nawa ng Diyos na ang nasa isip ko'y maging karapat-dapat sa natutunan ko sa Karunungan,at ang ihahayag ko'y maging naaayon sa kalooban niya,sapagkat ang Diyos ang patnubay ng Karunungan,at siya ang nagtutuwid sa marurunong.
16 Tayong lahat ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos—ang ating pagkatao, ang ating mga salita,ang ating pagkaunawa, at ang ating mga kakayahan.
17 Siya ang nagbigay sa akin ng pagkaunawasa kaayusan ng buong daigdig at sa mga lakas ng kalikasan;
18 kung paanong sinusukat ang takbo ng daigdig sa pamamagitan ng pagsikat at paglubog ng araw,at ang pagbabagu-bago ng mga panahon;
19 ang pag-inog ng mga bituin sa kalawakan, at ang pag-ikot ng mga taon.