16 Tayong lahat ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos—ang ating pagkatao, ang ating mga salita,ang ating pagkaunawa, at ang ating mga kakayahan.
17 Siya ang nagbigay sa akin ng pagkaunawasa kaayusan ng buong daigdig at sa mga lakas ng kalikasan;
18 kung paanong sinusukat ang takbo ng daigdig sa pamamagitan ng pagsikat at paglubog ng araw,at ang pagbabagu-bago ng mga panahon;
19 ang pag-inog ng mga bituin sa kalawakan, at ang pag-ikot ng mga taon.
20 Sa kanya ko natutunan ang kalikasan ng mga nilalang na may buhay,ang ugali ng mga mababangis na hayop,ang lakas ng hangin, ang takbo ng isipan ng mga tao,ang pagkakaiba ng mga halaman, at ang paggamit ng mga ugat bilang gamot.
21 Natutunan ko ang mga bagay na dati nang alam, at ang mga bagay na wala pang ibang nakakaalam,
22 sapagkat ang Karunungan na humugis sa lahat ng bagay ang siyang nagturo sa akin.Ang diwa ng Karunungan ay matalino at banal.Iisa ang kanyang likas ngunit nahahayag sa maraming paraan.Siya'y dalisay at walang katawang materyal, at malayang kumikilos;malinis, nagtitiwala at di maaaring mapinsala;maibigin sa mabuti, matalas at di malulupig.