20 Sa kanya ko natutunan ang kalikasan ng mga nilalang na may buhay,ang ugali ng mga mababangis na hayop,ang lakas ng hangin, ang takbo ng isipan ng mga tao,ang pagkakaiba ng mga halaman, at ang paggamit ng mga ugat bilang gamot.
21 Natutunan ko ang mga bagay na dati nang alam, at ang mga bagay na wala pang ibang nakakaalam,
22 sapagkat ang Karunungan na humugis sa lahat ng bagay ang siyang nagturo sa akin.Ang diwa ng Karunungan ay matalino at banal.Iisa ang kanyang likas ngunit nahahayag sa maraming paraan.Siya'y dalisay at walang katawang materyal, at malayang kumikilos;malinis, nagtitiwala at di maaaring mapinsala;maibigin sa mabuti, matalas at di malulupig.
23 Ang Karunungan ay mapagkawanggawa, mabait,matatag, tiyak, hindi nababalisa,makapangyarihan at mulat sa lahat ng bagay.Ang Karunungan ay laganap sa lahat ng diwang matalino, matalas at dalisay.
24 Sapagkat ang Karunungan ay mas mabilis kaysa anumang kumikilos,at dahil sa kanyang kadalisayan, siya'y laganap sa lahat ng bagay.
25 Siya ay tilamsik ng kapangyarihan ng Diyos,maningning na silahis ng kanyang kaluwalhatian.Kaya walang marumi na makalalapit sa kanya.
26 Siya ay sinag ng walang hanggang liwanag,salaming nagpapakita ng mga gawa at kabutihan ng Diyos.