22 sapagkat ang Karunungan na humugis sa lahat ng bagay ang siyang nagturo sa akin.Ang diwa ng Karunungan ay matalino at banal.Iisa ang kanyang likas ngunit nahahayag sa maraming paraan.Siya'y dalisay at walang katawang materyal, at malayang kumikilos;malinis, nagtitiwala at di maaaring mapinsala;maibigin sa mabuti, matalas at di malulupig.
23 Ang Karunungan ay mapagkawanggawa, mabait,matatag, tiyak, hindi nababalisa,makapangyarihan at mulat sa lahat ng bagay.Ang Karunungan ay laganap sa lahat ng diwang matalino, matalas at dalisay.
24 Sapagkat ang Karunungan ay mas mabilis kaysa anumang kumikilos,at dahil sa kanyang kadalisayan, siya'y laganap sa lahat ng bagay.
25 Siya ay tilamsik ng kapangyarihan ng Diyos,maningning na silahis ng kanyang kaluwalhatian.Kaya walang marumi na makalalapit sa kanya.
26 Siya ay sinag ng walang hanggang liwanag,salaming nagpapakita ng mga gawa at kabutihan ng Diyos.
27 Bagama't nag-iisa ang Karunungan, magagawa niya ang lahat ng bagay,at bagaman siya'y hindi nagbabago, nababago niya ang lahat ng bagay.Sa lahat ng salinlahi, siya'y nananahan sa mga banal,at ang mga ito'y ginagawa niyang mga propeta at mga kaibigan ng Diyos.
28 Walang pinakamamahal ang Diyos nang higit pa sa mga taong nalulugod sa Karunungan.