26 Siya ay sinag ng walang hanggang liwanag,salaming nagpapakita ng mga gawa at kabutihan ng Diyos.
27 Bagama't nag-iisa ang Karunungan, magagawa niya ang lahat ng bagay,at bagaman siya'y hindi nagbabago, nababago niya ang lahat ng bagay.Sa lahat ng salinlahi, siya'y nananahan sa mga banal,at ang mga ito'y ginagawa niyang mga propeta at mga kaibigan ng Diyos.
28 Walang pinakamamahal ang Diyos nang higit pa sa mga taong nalulugod sa Karunungan.
29 Ang Karunungan ay mas maganda kaysa araw,higit ang kagandahan kaysa mga bituin, at higit pa sa liwanag.
30 Sapagkat ang liwanag ay napapalitan ng dilim,ngunit ang Karunungan ay di malulupig ng masama kailanman.