3 Nang ako'y isilang, nagsimula akong lumanghap ng hanging nilalanghap ng lahat.Inihiga ako sa lupang tinatapakan ng mga tao,ang iyak ng lahat ng bagong silang ang unang tinig na nagmula sa akin.
4 Buong ingat akong inalagaan at binalot ng lampin.
5 Lahat ng hari ay ganyan din ang simula.
6 Sapagkat sa lahat ng tao'y iisa lamang ang paraan ng pagdating at pag-alis sa buhay na ito.
7 Sapagkat alam kong ako'y tao lamang, ako'y nanalangin at binigyan naman ako ng pang-unawa.Tumawag ako sa Diyos at binigyan ako ng Karunungan.
8 Higit na mahalaga sa akin ang Karunungan kaysa trono at setro,at mas matimbang kaysa alinmang kayamanan.
9 Hindi ko siya maipagpapalit maging sa pinakamahal na alahas.Ang ginto ay tulad lamang ng buhangin kung ihahambing sa Karunungan.Ang pilak nama'y nagmimistulang putik kapag inihambing sa kanya.