1 Ang lakas niya'y abot sa lahat ng sulok ng daigdig,at maayos na pinamamahalaan ang lahat ng bagay.
2 Ang Karunungan ay mahal ko, kaya sinikap kong hanapin siya mula sa aking kabataan.Ipinasya kong siya ang makaisang-dibdib;ako'y lubos na nabighani sa kanyang kagandahan.
3 Lalong naging marangal ang kanyang pagsilang dahil sa pagiging malapit niya sa Diyos,ang Panginoon ng lahat, na nagmamahal sa kanya.
4 Siya ang tagapagturo sa mga hiwaga ng Diyos,at siya ang nagpapasya ng dapat gawin ng Diyos.
5 Kung ang kayamanan ay kanaisnais makamtan,lalong higit ang Karunungan na nagpapakilos sa lahat ng bagay.
6 Kung gumagawa man ang kaalaman,lalong malaki ang nagagawa ng Karunungan na nagbigay-anyo sa lahat ng bagay.