11 Makikita nila ang kahusayan ko sa paghatol,at ako'y hahangaan ng mga tagapamahala.
12 Kapag ako'y nanahimik, hihintayin nila akong magsalita,at kapag nagsalita ako, sila'y makikinig.Kung ako man ay magsalita nang mahaba,sila'y tatahimik.
13 Dahil sa Karunungan, hindi ako mamamatay,sapagkat mag-iiwan ako ng alaalang mananatili sa isipan ng mga susunod sa akin.
14 Mamamahala ako sa maraming tao,at masasakop ko ang maraming bansa.
15 Ang malulupit na hari ay matatakot sa akin.Ipapakita ko sa aking nasasakupan na ako'y bihasang pinuno at isang matapang na mandirigma.
16 Pag-uwi ko sa amin, magpapahinga akong kapiling ng Karunungan,sapagkat kung siya ang kasama ko, wala akong sakit ng kalooban,kundi pawang galak at kasiyahan.”
17 Napag-isip-isip ko at napagbulay-bulayan:Walang kamatayan ang sinumang makaisang-dibdib ng Karunungan.