16 Pag-uwi ko sa amin, magpapahinga akong kapiling ng Karunungan,sapagkat kung siya ang kasama ko, wala akong sakit ng kalooban,kundi pawang galak at kasiyahan.”
17 Napag-isip-isip ko at napagbulay-bulayan:Walang kamatayan ang sinumang makaisang-dibdib ng Karunungan.
18 Ganap na kaligayahan ang umibig sa kanya,malaking kayamanan ang magsagawa ng kanyang mga panukala.Karangalan ang makisalamuha sa kanyaat matututong magpasya nang mahusay ang makisama sa kanya.Dahil dito, ipinasya kong siya ang aking makaisang-dibdib.
19 Sa aking pagkabata, ako'y may kaakit-akit na katauhan,at nagkapalad na magtaglay ng malinis na kaluluwa.
20 O kaya, marahil sa pagiging mabuti ko, nabigyan ako ng malusog na katawan.
21 Ngunit naniniwala akong hindi ako magkakaroon ng Karunungan, kung hindi iyon ipinagkaloob sa akin ng Diyos.Ang isa pang tanda ng pagkaunawa ay ang pagkaalam na ang Diyos lamang ang maaaring magkaloob niyon.Kaya, buong puso akong nanalangin sa Panginoon nang ganito: