2 Ang Karunungan ay mahal ko, kaya sinikap kong hanapin siya mula sa aking kabataan.Ipinasya kong siya ang makaisang-dibdib;ako'y lubos na nabighani sa kanyang kagandahan.
3 Lalong naging marangal ang kanyang pagsilang dahil sa pagiging malapit niya sa Diyos,ang Panginoon ng lahat, na nagmamahal sa kanya.
4 Siya ang tagapagturo sa mga hiwaga ng Diyos,at siya ang nagpapasya ng dapat gawin ng Diyos.
5 Kung ang kayamanan ay kanaisnais makamtan,lalong higit ang Karunungan na nagpapakilos sa lahat ng bagay.
6 Kung gumagawa man ang kaalaman,lalong malaki ang nagagawa ng Karunungan na nagbigay-anyo sa lahat ng bagay.
7 Kung ang pinahahalagahan ninyo'y katuwiran,iyan ay bunga ng Karunungan.Itinuturo niya ang pagpipigil at pag-unawa,katarungan at tibay ng loob.Ang tao'y wala nang makakamtang pakinabang na higit pa kaysa mga ito.
8 Kung nais ninyo ang malawak na karanasan,alam ng Karunungan ang mga nakaraan at ang darating.Alam niyang ipaliwanag ang pangungusap ng tao at ang kasagutan sa mga suliranin.Maihahayag niya ang mga tanda ng panahon at ang mga kababalaghan,at ang kahihinatnan ng mga pangyayari.