7 Kung ang pinahahalagahan ninyo'y katuwiran,iyan ay bunga ng Karunungan.Itinuturo niya ang pagpipigil at pag-unawa,katarungan at tibay ng loob.Ang tao'y wala nang makakamtang pakinabang na higit pa kaysa mga ito.
8 Kung nais ninyo ang malawak na karanasan,alam ng Karunungan ang mga nakaraan at ang darating.Alam niyang ipaliwanag ang pangungusap ng tao at ang kasagutan sa mga suliranin.Maihahayag niya ang mga tanda ng panahon at ang mga kababalaghan,at ang kahihinatnan ng mga pangyayari.
9 Kaya nga, ipinasya kong ang Karununga'y makaisang-dibdib,sapagkat alam kong bibigyan niya ako ng magagandang aral,at mga payo sa panahon ng kabalisahan at kalungkutan.
10 Nasabi ko sa aking sarili, “Dahil sa kanya ay magiging tanyag ako sa paningin ng mga tao,at magkakamit ng karangalan sa paningin ng matatandang pinuno, kahit ako'y bata pa.
11 Makikita nila ang kahusayan ko sa paghatol,at ako'y hahangaan ng mga tagapamahala.
12 Kapag ako'y nanahimik, hihintayin nila akong magsalita,at kapag nagsalita ako, sila'y makikinig.Kung ako man ay magsalita nang mahaba,sila'y tatahimik.
13 Dahil sa Karunungan, hindi ako mamamatay,sapagkat mag-iiwan ako ng alaalang mananatili sa isipan ng mga susunod sa akin.