1 “Diyos ng aking mga ninuno, O mahabaging Panginoon,ikaw po na lumikha ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng iyong salita.
2 Sa iyong Karunungan, nilikha mo ang sangkatauhanupang maghari sa sangnilikha,
3 upang pamahalaan ang daigdig nang may kabanalan at katuwiran,at pairalin ang katarungan nang may katapatan.
4 Bahaginan mo po ako ng Karunungang nakaluklok sa tabi ng iyong trono,at ibilang mo po ako sa iyong mga lingkod.
5 Ako'y alipin mo, anak ng alipin mong babae,isang taong mahina at maikli ang buhay.Lubhang kakaunti ang pagkaunawa ko sa Kautusan at kung paano iyon papairalin.