11 Alam niya at nauunawaan ang lahat ng bagay.Papatnubayan niya ang lahat ng kilos ko,at iingatan ako sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
12 Kung magkagayon, mapapamahalaan ko po ang bayan mo nang may katarungan,at magiging karapat-dapat ako sa trono ng aking ama,at magiging kalugud-lugod sa iyo ang aking mga gawa.
13 “Sinong tao ang lubos na makakaunawa sa kaisipan ng Diyos?Sino ang makakaalam sa kalooban ng Panginoon?
14 Kapos ang kaisipan ng taoat walang kasiguruhan ang aming mga panukala.
15 Sapagkat ang aming kaluluwa ay binabatak na pababa ng aming katawang ang hantungan ay kamatayan.Ang aming katawang lupa ay pabigat sa isipang punung-puno ng mga panukala.
16 Nahihirapan kaming mahulaan man lamang ang nilalaman ng daigdig,at malaman kung ano ang mga bagay sa paligid namin.Sino, kung gayon, ang makakaunawa sa mga bagay na makalangit?
17 Wala pong makakaalam ng iyong kaloobanmalibang bigyan mo siya ng iyong Karunungan,at lukuban ng iyong banal na espiritung mula sa kaitaasan.