15 Sapagkat ang aming kaluluwa ay binabatak na pababa ng aming katawang ang hantungan ay kamatayan.Ang aming katawang lupa ay pabigat sa isipang punung-puno ng mga panukala.
16 Nahihirapan kaming mahulaan man lamang ang nilalaman ng daigdig,at malaman kung ano ang mga bagay sa paligid namin.Sino, kung gayon, ang makakaunawa sa mga bagay na makalangit?
17 Wala pong makakaalam ng iyong kaloobanmalibang bigyan mo siya ng iyong Karunungan,at lukuban ng iyong banal na espiritung mula sa kaitaasan.
18 Sa ganitong paraan po lamang naaakay mo ang mga tao sa matuwid na landas.Natututunan po namin kung ano ang kalugud-lugod sa iyo,at naliligtas kami sa pamamagitan ng iyong Karunungan.