5 Ako'y alipin mo, anak ng alipin mong babae,isang taong mahina at maikli ang buhay.Lubhang kakaunti ang pagkaunawa ko sa Kautusan at kung paano iyon papairalin.
6 At kahit na ang isang tao ay maging ganap,wala rin siyang magagawa kung wala siyang Karunungang nagmumula sa iyo.
7 Hinirang mo po akong maging hari ng iyong bayan,at maging hukom ng iyong mga anak.
8 Iniutos mo sa aking magtayo ng isang templo sa iyong banal na bundok,isang dambana sa Jerusalem, ang lunsod na iyong piniling tahanan.Larawan ito ng makalangit na templong inihanda mo buhat pa sa simula.
9 Sumasaiyo ang Karunungan at nalalaman niya ang iyong mga gawa,sapagkat kasama mo siya nang likhain mo ang daigdig.Alam niya kung ano ang iyong kinalulugdan,kung ano ang mabuti at naaayon sa iyong mga utos.
10 Isugo mo po siya mula sa kalangitanat mula sa luklukan ng iyong karangalan.Sa gayon, siya'y sasaakin at sasamahan ako sa aking ginagawa,at ituturo niya sa akin kung ano ang kalugud-lugod sa iyo.
11 Alam niya at nauunawaan ang lahat ng bagay.Papatnubayan niya ang lahat ng kilos ko,at iingatan ako sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.