9 Sumasaiyo ang Karunungan at nalalaman niya ang iyong mga gawa,sapagkat kasama mo siya nang likhain mo ang daigdig.Alam niya kung ano ang iyong kinalulugdan,kung ano ang mabuti at naaayon sa iyong mga utos.
10 Isugo mo po siya mula sa kalangitanat mula sa luklukan ng iyong karangalan.Sa gayon, siya'y sasaakin at sasamahan ako sa aking ginagawa,at ituturo niya sa akin kung ano ang kalugud-lugod sa iyo.
11 Alam niya at nauunawaan ang lahat ng bagay.Papatnubayan niya ang lahat ng kilos ko,at iingatan ako sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.
12 Kung magkagayon, mapapamahalaan ko po ang bayan mo nang may katarungan,at magiging karapat-dapat ako sa trono ng aking ama,at magiging kalugud-lugod sa iyo ang aking mga gawa.
13 “Sinong tao ang lubos na makakaunawa sa kaisipan ng Diyos?Sino ang makakaalam sa kalooban ng Panginoon?
14 Kapos ang kaisipan ng taoat walang kasiguruhan ang aming mga panukala.
15 Sapagkat ang aming kaluluwa ay binabatak na pababa ng aming katawang ang hantungan ay kamatayan.Ang aming katawang lupa ay pabigat sa isipang punung-puno ng mga panukala.