Tobit 10:8-12 MBB05

8 “Huwag ka munang umalis, Tobias,” sabi ni Raguel, “magsusugo ako ng magbabalita sa iyong ama tungkol sa iyo.”

9 Ngunit si Tobias ay pilit na nakiusap na siya'y payagan nang umuwi.

10 Dahil dito, sinabi ni Raguel, “Kung gayon, isama mo na si Sara. Dalhin mo ang kalahati ng aking ari-arian, mga aliping babae at lalaki, baka, tupa, asno at kamelyo. Dalhin mo rin ang kalahati ng aking salapi, damit at mga kagamitan sa bahay.”

11 Nang gayak na ang lahat, sila'y nagpaalam. Bago umalis, niyakap ni Raguel si Tobias, “Paalam, anak ko!” sabi niya. “Nawa'y makarating kayong maluwalhati. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon. Sana'y makita ko ang aking mga apo bago ako mamatay!”

12 Hinagkan din niya si Sara at sinabi, “Anak, igagalang mo ang iyong mga biyenan. Mula ngayo'y ituring mo silang tunay na magulang. Humayo kang taglay ang kapayapaan, at nawa'y maganda ang maging balita na maririnig ko tungkol sa inyo habang ako'y nabubuhay.” Matapos ang pagpapaalaman, sila'y umalis na.Pagkatapos, kinausap din si Tobias ng kanyang biyenang babae. Sinabi nito, “Anak ko at mahal na kamag-anak, ihatid nawa kayong ligtas ng Panginoon ng langit. Nawa, bago ako mamatay ay makita ko ang aking magiging apo sa inyo ni Sara. Sa harapan ng Panginoon, ipinagkakatiwala ko sa iyo ang aking anak. Huwag mo siyang bibigyan ng sama ng loob. Humayo kayong taglay ang kapayapaan! Asawa mo si Sara kaya't ako'y ina mo na ngayon. Nawa'y sumagana tayong lahat habang tayo'y buháy.” Matapos niyang hagkan ang mag-asawa, tuluyan na silang pinalakad.