1 Kaya't nanalangin si Tobit,“Purihin ang Diyos na walang hanggan,purihin ang kanyang kaharian!
2 Siya'y nagpaparusa na taglay ang habag;kung tayo ma'y malibing, sa hukay masadlak,muling hinahango niya't binubuhay.Walang makakatakas sa kanyang kapangyarihan.
3 “Kayong Israelita, papurihan ninyo ang Diyossa harap ng mga bansang bumihag sa inyo.
4 Doo'y ipinakita sa inyo ang kanyang kapangyarihan.Siya ay purihin ng bawat nilalangpagkat siya'y ating Panginoon at ating Diyos, ating Ama magpakailanman.
5 “Pinagdusa man kayo dahil sa inyong kasalanan,ngunit kahahabagan din niya kayo, at muling ibabalik sa inyong tahananmula sa mga bansang umalipin sa inyo.
6 “Kung buong puso kayong manunumbalikat magiging masunurin sa kanya,kayo'y babalikan niya at kakalingain,at hindi na siya magkukubli sa inyo.Kaya ngayo'y alalahanin ninyo ang ginawa ng Diyos,at isigaw ninyo ang pasasalamat sa kanya.Purihin ang Panginoon ng katarungan!Parangalan ang Haring walang hanggan![Maging sa bansang pinagtapunan sa akin,pupurihin ko ang Panginoon.Maging sa bansang makasalana'y dadakilain ko siya.Talikuran na ninyo ang inyong mga kasalanan at mamuhay kayo nang karapat-dapat sa harapan niya.Kung magkagayon, ang habag ng Panginoon ay inyong madarama.
7 “Pinupuri ko ang aking Diyos at nagagalak ako sa kadakilaan niya;lubos kong pararangalan ang Hari ng kalangitan.
8 “Hayaang ihayag ng lahat ang kadakilaan niya,at doon sa Jerusalem siya ay papurihan.
9 “Ikaw, Jerusalem, lunsod na banal ng Diyos,paparusahan ka niya dahil sa kasalanan ng iyong mga mamamayan,ngunit mahahabag siya sa mga gumagawa ng may katapatan.
10 Kaya't magpasalamat kayo sa Panginoon sapagkat siya'y mabuti.Purihin ang Haring walang hanggan!]Muling matatayo ang iyong Temploat maghahari ang galak sa kanyang bayan.
11 Magniningning ang sinag mo sa buong daigdig,buhat sa malayo, maraming bansa ang lalapit sa iyo.Jerusalem, ang iyong ilaw ay magliliwanag sa buong daigdig,kaya't lalapit ang mga tao at pararangalan ang Panginoong ating Diyos.May taglay silang mga kaloob para sa Hari ng kalangitan.Sa mga lansangan, maraming lahi ang aawit at magpupuri.Sa habang panahon ang iyong pangalan ay mananatili.
12 Ang magsasalita ng laban sa iyo'y tatanggap ng sumpa,gayundin silang nagwasak sa iyo at ng iyong muogsilang nagbagsak ng iyong mga tore, at nanunog ng inyong tahanan;ngunit ang lahat ng nagparangal sa iyo ay pagpapalain kailanman.
13 “Magalak ka, Jerusalem, dahil sa mga taong matuwid.Mula sa bansang pinagbihagan, sila'y titipuning mulipara purihin ang Panginoong walang hanggan.
14 Ang mga anak mong sa umiibig sa iyo ay dapat magalak;magalak nga sila sa iyong pag-unlad.Magalak din silang sa kahirapan mo'y pawang nalulumbay,silang nalulungkot sa iyong tinamong mga kahirapan.Ang kagalakan mo'y magdudulot sa kanila ng tuwang walang katapusan.
15 “Pupurihin ko ang Panginoon, ang dakilang Hari,
16 muling itatayo ang Jerusalemat dito siya tatahan magpakailanman.Ako'y magagalak, Jerusalem,kung may matitira sa aking angkan; kung makikita nila ang iyong kaningninganat magpupuri sila sa Hari ng kalangitan.Ang gagamitin sa mga pader mo'y mahalagang bato,at lantay namang ginto ang mga tore at tanggulan mo.
17 Ang mga lansangan ng lunsod na ito ay lalataganng batong hiyas, ng rubi at ofir na pawang kumikinang.
18 Ang mga pintuan nitong Jerusalem aawit sa tuwa;mula sa mga tahanan lahat ay sisigaw dahilan sa galak!‘Purihin ang Panginoon, purihin ang Diyos ng Israel!’“Jerusalem, pagpapalain ng Diyos ang iyong mamamayan;Sa buong panahon, sa ngalan ng Panginoon papuri ay iukol.Pupurihin nila ang banal mong pangalan magpakailanman.”Dito nagwakas ang awit ng pagpupuri ni Tobit.