1 Galak na galak na umalis si Tobias. Matapos mamaalam, sinabi pa nito bago umalis, “Mabigyang-kasiyahan ko nawa kayo habang ako'y nabubuhay!” Umalis siya na pinupuri ang Panginoon ng langit at lupa, at Hari ng buong mundo, dahil sa matagumpay nilang paglalakbay. At kanya ring ipinangakong pararangalan ang mag-asawang Raguel at Edna habambuhay.Naglakbay nga silang pabalik na kasama rin si Rafael. Nang malapit na sila sa Kaserin na katapat ng Nineve,
2 sinabi ni Rafael, “Natatandaan mo ba ang kalagayan ng iyong ama noong tayo'y lumisan?
3 Mabuti pa'y mauna na tayo para makapaghanda agad sa bahay. Hayaan mo nang mahuli ang iyong asawa at ang buong pangkat.”
4 At nauna nga silang dalawa. Sa daa'y sinabi ni Rafael, “Tobias, dalhin mo ang apdo ng isda.” Lumakad silang kasunod ang aso ni Tobias.
5 Samantala'y patuloy na nag-aabang si Ana sa lansangang daraanan ni Tobias.
6 Nang makita niyang ito'y dumarating, pasigaw niyang tinawag si Tobit at sinabi, “Narito na si Tobias kasama ang lalaking pinasama mo.”