13 Pagkatapos, inalis niya ang katarata, at nakakitang muli ang kanyang ama.
14 Niyakap ni Tobit ang anak at umiiyak na nagsabi, “Maliwanag na ang aking paningin; nakikita na kita, anak!” Pagkatapos ay sinabi,“Purihin ang Diyos! Purihin ang dakila niyang pangalan,pagpalain ang lahat niyang mga anghel.Nawa'y purihin ang banal niyang pangalan sa lahat ng panahon.
15 Sapagkat siya ang nagparusa sa akin at siya rin ang nahabag.Narito, nakikita ko na ang aking anak, nakikita ko na si Tobias!”Pumasok si Tobias sa loob ng bahay. Galak na galak siya at sumisigaw na nagpupuri sa Diyos. Isinalaysay nito sa ama ang kanyang naging tagumpay. Sinabi ni Tobias, “Nakuha ko po ang salapi at napangasawa ko pa si Sara, ang anak ng kamag-anak ninyong si Raguel. Kasunod po namin siya at marahil ay papasok na sila sa Nineve.”
16 Galak na galak si Tobit na nagpuri sa Diyos. Lumabas siya at nagpunta sa may pasukan ng Nineve upang salubungin ang kanyang manugang. Napansin ng mga tagaroon na mabilis ang paglakad ni Tobit kahit walang umaakay. Namangha silang lahat.
17 Sa harapan nila'y ipinaliwanag niya ang kagandahang-loob ng Diyos nang ibalik ang kanyang paningin.Dumating nga ang manugang niyang si Sara, at binati niya ito, “Maligayang pagdating, anak! Purihin ang Diyos sa ginawa niyang ito. Kumusta ang iyong ama't ina? Pagpalain nawa sila at kayo ni Tobias! Maligayang pagdating!”Lahat ng mga Judio sa Nineve ay nagdiwang nang araw na iyon.
18 Dumating din ang mag-amaing Ahikar at Nadab. Tuwang-tuwa sila para kay Tobit. Pitong araw nilang ipinagdiwang ang pag-aasawa ni Tobias [na tumanggap noon ng maraming regalo.]